Inaasahang darating na ngayong linggo ang mga bagong tren na gagamitin sa itinatayong MRT-7.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ngayong unang linggo ng Setyembre darating ang dalawang train sets na binubuo ng anim na bagon mula South Korea.
Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng line 7 sa Disyembre ng susunod na taon.
Layunin ng MRT-7 na paikliin ang biyahe mula Quezon City hanggang Bulacan sa 35 minuto mula sa kasalukuyang dalawa hanggang tatlong oras. —sa panulat ni Drew Nacino