Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa COA na i-audit ang Philippine Red Cross o PRC, kahit isa itong non-government at non-profit agency.
Ito’y makaraang akusahan ni Pangulong Duterte na pinagkaka-perahan ni Senator Richard Gordon ang PRC, bilang Chairman nito.
Sa kanyang talk to the nation kagabi, ibinulgar ng pangulo na matagal ng ginagamit ni Gordon ang pondo ng red cross sa political agenda kabilang na ang kandidatura ng Senador noong mga nagdaang halalan.
You threatened the government to stop,you stop testing people so that they will die? Just because you are not paid and the money that you will have collected all these year will run into billion, gusto ko makita yung audit talaga na totoo ng redcross… copies of your audit taken by COA and COA to give us the copy so that we can review also , what you have edited. Tingnan naming kung tama o hindi, pahayag ng Pangulong Duterte.
Inungkat din ng punong ehekutibo ang ilan pang kinasasangkutan umanong katiwalian ni Gordon tulad na lamang ng inihaing reklamong plunder ni dating Senador Antonio Trillanes.
Yung 193 million pesos na pork barrel na ginamit mo, hindi mo nga masabi sa amin kung saan nilagay iyon, totoo ba o hindi. How about the disallowances at charges and the…books of account, when you are sitting as chairman. Is this amount of 140 million pesos? Is this the reason why for a certain individual to be appointed on certain SBMA, so that you can protect your own interest,″wika ng Pangulong Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino