Umapela ang Research Institute for Tropical Medicine O (RITM) sa kongreso ng karagdagang pondo makaraang tapyasan ang kanilang proposed budget para sa susunod na taon.
Aminado si RITM Director Celia Carlos na magkakaroon ng malaking epekto sa kanilang operasyon ang kinaltas na budget lalo’t mahalaga ang papel ng ahensya ngayong may COVID-19 pandemic.
Sa ilalim anya ng 2022 proposed budget, P223 milyon ang inilaan para sa RITM mula sa P393 milyon noong isang taon.
Ang RITM ang national reference laboratory at pinaka malaking Coronavirus Disease 2019 testing center.—sa panulat ni Drew Nacino