56 na lugar sa Quezon City ang isinailalim sa special concern lockdown areas dahil sa paglobo ng COVID-19 cases.
Ayon sa Quezon City Local Government, tinatayang 2,700 pamilya o nasa apatnalibo animnaraang indibidwal ang apektado.
Gayunman, nilinaw ng City Epidemiology and Surveillance Unit na sa ilang partikular na kalsada lamang ipinatupad ang lockdown at hindi sa buong barangay o komunidad.
Namahagi naman ang City government ng food packs at mga essential kits para sa mga apektadong pamilya.—sa panulat ni Drew Nacino