Ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na overpriced umano ng P1-M ang bawat unit ng ambulansya na binili ng pamahalaan.
Ayon kay lacson, sa ilaliim ng health facilities enhancement program o HFEP ng DOH ay binili sa halagang P2.5 milyon per unit ang mga ambulansya na may equipment.
Pero makaraang itanong sa Local Government Units (LGU) na bumili ng kahalintulad na unit ng ambulansya, nagkakahalaga lamang ito ng P1.5 milyon.
Aminado si Lacson na nakagagalit na matuklasan na sobra ng isang milyon ang bawat unit ng biniling ambulansya dahil siya mismo ang nagpa-realign sa pondo upang mabigyan ng dagdag budget ang HFEP.—sa panulat ni Drew Nacino