Idagdag na lamang ang milyon-milyong pondong ilalaan sa memorial wall ng gobyerno sa pambayad sa benipisyo ng mga medical frontliners.
Ito’y matapos himukin ng mga healthcare workers ang pamahalaan sa balak na pagtatayo ng isang memorial wall para bigyang pugay ang kanilang kabayanihan.
Ayon kay Dra. Maricar Limpin, President of Philippine College of Physicians, dapat maibigay muna ang nararapat na benepisyo ng mga healthcare workers para maramdaman naman ng mga ito na pinapahalagahan sila ng pamahalaan.
Tinatayang nasa P2 milyon hanggang P5 milyon ang ilalaang pondo para sa pagpapatayo ng naturang proyekto.
Sa huli, sinabi ni Limpin na hindi naman humihingi ng malaki ang medical frontliners ngunit kung mangangako ang pamahalaan umaasa sila na ito’y hindi mapapako.