Target ng Pilipinas at China na muling buhayin ang paglalagay ng mga China desk sa iba’t ibang tanggapan ng pulisya sa buong bansa.
Ito’y para tugunan ang mga kaso o problemang may kinalaman sa mga Tsino mula sa Mainland China na narito sa Pilipinas.
Dumalo sa ginawang virtual bilateral meeting sina Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar gayundin si Dir/Gen. Wang Xiaohong na Vice Minister ng International Cooperation Department ng MinistryoOf Public Security ng People’s Republic of China.
Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapaigting ng dalawang bansa sa usapin ng seguridad, pagsupil sa illegal POGO activities, telecom fraud, iligal na droga at kidnapping sa mga Chinese national sa bansa.
2018 pa nang magsimulang magtayo ng China desk ang PNP sa mga opisina nito subalit natigil dahil sa mga pagpapalit ng liderato sa PNP.