Umarangkada na ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaang bayan ng Apalit sa Pampanga para sa mga apektado ng granular lockdown sa Brgy. Balucuc.
Aabot sa 280 pamilya ang inaasahang mababahaginan ng ayuda at mahatiran ng mobile talipapa upang makontrol ang galaw ng tao.
Nagsimula ang lockdown noon pang Agosto 31 na tatagal ng 10 araw o hanggang Setyembre 9.
Ayon kay Apalit Mayor Oscar Tetangco Jr., nasa 80 na ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa naturang barangay kung saan, 8 rito ang nasawi.