Tiniyak ng Department of Science and Technology (DOST) na malabong magbalik sa bansa ang haze na nagmula sa mga nasusunog na kaingin sa Indonesia.
Ayon kay DOST Undersecretary Raymond Liboro, sa ngayon ay wala silang nakikitang pagbabago sa kalagayan ng panahon at uri ng hangin ng umiiral sa bansa na maaaring humigop sa haze na mula sa Indonesia.
Sinabi ni Liboro na hindi inaasahang manunumbalik ang tinatawag na trans-boundary haze mula sa Indonesia dahil wala pang namamataan na weather system.
Tinukoy ni Liboro ang isang malakas na bagyong maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na maaaring magpabago muli sa pangkalahatang direksyon ng hangin.
Una nang ipinaliwanag ni Liboro na ang haze mula sa Indonesia ay nahigop ng bagyong lando kaya’t nakapasok ito sa bansa.
“Ito po kasing smaze na ‘yan o yung haze eh ang nagdulot naman po talaga niyan ay ang pagpasok ng bagyong Lando dahil po doon ay nahigop niya ang usok na nanggaling sa Indonesia kaya nakarating sa atin, ngayon po dahil sa kadahilangang talagang prevailing na ang pangkalahatang hangin ng amihan eh hindi na nakakapasok ang mga usok na ito sa ating bansa.” Paliwanag ni Liboro.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit