Hinihintay na lang ng Department of Health (DOH) ang ulat ng technical working group na may kaugnayan sa isinagawang pag-aaral tungkol sa epekto ng booster shots kontra COVID-19.
Sa pagdinig ng House Appropriations Committee para sa pondo ng DOH sa susunod na taon, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na posibleng sa susunod na linggo niya matanggap ang ulat.
Agad naman niya itong isusumite at ilalatag sa Department of Budget and Management (DBM) sakaling matanggap na niya ang ulat.
Ani Duque, ito ang magiging batayan ng DBM para mailipat ang P45 bilyong alokayon para sa booster shots sa programmed fund at line-item na nakapaloob sa panukalang 2022 national budget.