Nakauwi na sa bansa ang aabot sa 142 na mga Pinoy mula sa bansang Myanmar, Laos at Cambodia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, dumating ang mga kababayan natin sa Mactan-Cebu International Airport.
Sinabi pa ng DFA na sa 142 na dumating, 67 ang mula Cambodia, 50 ang mula sa Laos at ang natitira ay na repatriate naman sa bansang myanmmar na kasalukuyang may kaguluhan sa isyu ng pulitika.
Paliwanag pa ng DFA na ang mga umuwi ay mga nawalan ng trabaho o hanap-buhay.
Katuwang naman ng Pilipinas ang mga embahada ng bansa sa Yangon, Vietiane at Phnom Pehn.
Aabot naman na sa 413,112 na Pinoy ang nakauwi na sa bansa simula ng pumutok ang pandemya nitong Marso 2020.—sa panulat ni Rex Espiritu