Sumampa na sa mahigit 219 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
Ayon sa World Health Organization, sa nasabing bilang ay papalo naman sa mahigit apat at kalahating milyon ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.
Habang pumapalo naman sa mahigit 196 milyon ang total recoveries ng COVID-19 sa buong mundo.
Nanguna sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ay ang Amerika na may mahigit 600,000, sinundan ito ng Brazil na may mahigit 580,000 kaso at Mexico na may mahigit 439,000 na libong na kaso.
Kasama rin sa listahan ang mga bansang Peru, Russia, Indonesia, United Kingdom, Italy, Colombia, France, Argentina at Iran sa mga may pinakamaraming naitatalang kaso sa buong mundo.