Naghahanda na ang bansang Japan sa pag-upo ng bago nilang Punong Ministro.
Ito’y matapos i-anunsyo ni Japanese Prime Minister Yoshide Suga ang pagbaba nito sa puwesto makalipas ang isang taon.
Nabatid na nagpahayag na si Suga ng hindi nito pagtakbong muli sa pagka-punong ministro sa ilalim ng liberal democratic party.
Pinalitan ni Suga si Shinzo Abe na bumitiw din sa puwesto nuong isang taon dahil sa mga usaping pangkalusugan.