Ipinagutos ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagsibak sa serbisyo laban sa Pulis at 4 na trainee na nasa likod ng pamamaril at pagpatay dating army Cpl. Winston Ragos.
Kinumpirma ito sa DWIZ ni NAPOLCOM Vice Chair Atty. Vitaliano Aguirre matapos mapatunayang guilty ang mga akusado dahil sa grave misconduct.
Kabilang sa mga sinibak ay sina P/MSgt. Daniel Florendo kasama sina Patrolman Dante Fronda, Dalejes Gaciles, Arnel Fontillas at Patrolwoman Joy Flaviano.
Gayunman, tumanggi nang magbigay ng detalye si Aguirre sa kung alin sa mga nailatag nang mga ebidensya ang nagdiin sa apat para alisin sa serbisyo.
Magugunitang binaril si Ragos sa 1 quarantine checkpoint sa Brgy. Pasong Putik sa QC noong Abril 2020 matapos mapagkamalang bubunot ng baril sa kaniyang bag na kalauna’y nabistong itinanim lamang ng mga pulis. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)