Naglabas na ng mga ebidensya ang nakalipas na administrasyon kaugnay sa umano’y overpriced Personal Protective Equipment (PPE) na binili noong panahon nito.
Inilabas ni Dating Deputy Spokesperson Abigail Valte sa kanyang Facebook account ang kopya ng purchase order sa mahigit 3,000 PPE na binili ilang araw bago ang pagtatapos ng termino ng Dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kasama sa kada set na nagkakahalaga ng halos P4,000 ang googles, gloves, plastic shoe covers, coveralls, surgical gloves, N95 face masks, surgical masks at head caps.
Una nang ibinunyag ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas mahal ang nabiling PPE noong Aquino administration kumpara sa binili ng Duterte administration bilang sagot sa pagpapa imbestiga ng mga mambabatas sa anila’y overpriced PPE na binili ng Duterte administration.