Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko kaugnay sa mahigit 20 produktong pagkain na hindi rehistrado sa ahensya.
Kabilang sa mga hindi rehistrado sa FDA ang Lee Kum Kee Guilin Style Chili Sauce, Tasty Vegetables na mayruong dark orange label sa glass bottle, Pickled Vegetable with boy character and bright green label sa glass bottle, Taiwan Chili Sauce na may male character at violet label sa glass bottle at Ji Xiang Ju preserved vegetable na mayroong blue at green label sa glass bottle.
Binigyang diin ng FDA na hindi nito matitiyak ang kaligtasan ng mga naturang produkto dahil hindi pa nila na evaluate ang mga ito.
Dahil dito, nagbanta rin ang FDA sa mga establishment laban sa pagbebenta ng mga nasabing produkto na walang certificate of product registration.