Isinailalim sa 14 day granular lockdown ang apat na barangay sa Tabuk City, kalinga sa gitna ng pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Sa isang abiso, ayon kay Tabuk City Local Government Unit (LGU), umiiral ang granular lockdown nitong Sabado, September 4 sa apat na barangay na kinabibilangan ng:
Agbannawag, Bulanao Norte, Dagupan Centro maging ang Dagupan West.
Kasabay nito ang pag-iral ng mga restriksyon kontra COVID-19 sang-ayon sa paghihigpit o quarantine status.
Samantala, sa pinakahuling datos na inilabas ng Tabuk City health department, may 473 na aktibong kaso ng COVID-19 ang kanilang lugar.