Aabot sa 15M indibidwal na sa bansa ang nakakumpleto ng bakuna kontra COVID-19.
Sa inilabas na datos ni vaccine czar secretary Carlito Galvez Jr., mahigit na nasa 14,650,065 ang fully vaccinated o nasa 19% ng target population ng pamahalaan.
Samantala, umabot na sa 20,450,849 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal ang nakatanggap ng first dose ng bakuna.
Umaasa naman si Galvez na mabakunahan ang 70% na populasyon ng bansa bago sumapit ang pasko.