Nakapagtala ang Department of Health o DOH ng 20,089 na bagong COVID-19 recoveries.
Dahil dito, sumampa na sa higit 1.8 milyon ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Sa pinakabagong case bulletin, nagkaroon naman ng higit 20,000 na bagong kaso habang nasa dalawang milyon na ang bilang ng mga tinamaan ng virus.
Samantala, halos 35,000 na ang death toll sa buong bansa kasunod ng pagpanaw ng mahigit isang daang pasyente.