Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Negros Occidental.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, natunton ang sentro ng pagyanig sa layong 55 kilometro hilagang Kanluran ng Sipalay City sa Negros Occidental.
Sinasabing tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 18 kilometro.
Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks sa naturang pagyanig.