Grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP humiling sa Department of Agrarian Reform o DAR na dapat gamitin ang panukalang budget ng ahensiya na higit P12.8 bilyong pondo para sa interes ng Filipino farmer, para umunlad ang agrikultura sa bansa.
Ayon kay KMP Chairperson Danilo Ramos na hindi dapat ilaan ang pondo ng DAR sa counter-insurgency program katulad nang nakaraang paglalaan nito sa pagsikil sa karapatang pantao ng mga magsasaka.
Pahayag pa ni Ramos na dapat resolbahin din ang problema sa kakulangan ng lupang sakahan.— sa panulat ni Angelo Baiño