Patay ang dalawang katao matapos gumuho ang ginagawang gusali sa gitna ng malakas na ulan sa bansang Uganda.
Sa isang post sa social media, makikita ang paghuhukay ng mga construction workers at mga dumaraan sa pinangyarihan ng insidente gamit ang kanilang kamay habang cutting equipment naman ang gamit ng mga rumespondeng mga bumbero para maabot ang mga naipit sa gumuhong gusali.
Ayon naman sa Uganda Red Cross, dalawang katawan na ang kanilang nahukay mula sa nagkapira-pirasong gusali.
Mga nakisilong na taxi riders at ilang katao ang pinaniniwalaang naipit ng gumuhong gusali dahil na rin sa malakas na ulan.—sa panulat ni Drew Nacino