Tinatayang 75% o 4,200 Intensive Care Unit beds para sa COVID-19 patients ay okupado na.
Sa datos mula sa Department Of Health, 75% ng kabuuang 1,500 ICU beds sa national capital region ang ginagamit na rin.
Ikinokonsiderang high risk ang occupancy rate kung mahigit 70 hanggang 85 porsyento na ang okupadong ICU beds.
Samantala, ang ward beds para sa mga pasyenteng may COVID-19 sa buong bansa ay nasa high risk na rin.
Ayon sa DOH, 71% ng 15,400 ward beds sa buong bansa ay nananatiling okupado.
Habang nasa 73% naman ang occupancy rate ng ward beds sa NCR na may kabuuang 4,200 beds.—sa panulat ni Hya Ludivico