Aarangkada na ang pilot testing ng localized granular lockdown sa Metro Manila simula Miyerkules.
Gayunman, nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na kailangan pang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force.
Maaari anyang tumagal ng isang linggo ang mga localized lockdown partikular sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
Unang nang iminungkahi ni Trade Secretary Ramon Lopez na makatutulong ang pagpapatupad ng granular lockdown sa ekonomiya ng bansa. —sa panulat ni Drew Nacino