Binanatan ng grupo ng mga health worker si Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa palpak na COVID-19 response ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Medical Action Group Chairman, Dr. Nemuel Fajutagana, ibang administrasyon ang kailangan ng bansa upang tuluyang makabangon sa pandemya.
Wala anyang nagawa ang Duterte administration sa loob ng halos dalawang taon kaya’t hindi pa rin umuusad at nasa ikatlong COVID surge pa ang pilipinas gayong ang ibang bansa ay balik-normal na ang pamumuhay.
Isa umano sa naging dahilan ng kapalpakan ng gobyerno ay ang pamumulitika sa gitna ng health crisis.
Inihalimbawa ni Fajutagana ang vaccination na maraming pagkakataong nabaliwala ang pasya ng mga health officer sa dahil sa pakikialam ng mga barangay, mayor at gobernador na lalong gumulo bunsod ng magkakaibang political affiliation.
Naniniwala ang grupo na hindi rin si Davao City Mayor Sara Duterte ang makatatulong at maghahatid ng pagbabago sakaling maluklok ito sa pwesto dahilma-i-impluwensyahan lamang ang desisyon nito ng amang si Pangulong Duterte. —sa panulat ni Drew Nacino