Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na malapit na nilang maabot ang herd immunity matapos mabakunahan ang halos kalahati sa kanilang populasyon.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, 45 mula sa 93% ng kanilang populasyon ang nabakunahan na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Kabilang aniya sa mga fully vaccinated na ang kabuuang puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) lalo na iyong mga nakatalaga sa inilatag na checkpoints.
Ginawa ni Eleazar ang pahayag matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila epektibo sa Miyerkules, Setyembre 8.