Kinalampag ng may 100 healthcare workers mula sa pribadong sektor ang punong tanggapan ng Department of Health(DOH) sa lungsod ng Maynila.
Ito’y para ipanawagan sa kanilang kilos protesta ang pangakong benepisyo at allowance sa ilalim ng napaso nang Bayanihan 2 na bigo pa ring maibigay ng pamahalaan.
Kabilang sa mga nakiisa sa kilos protesta ay ang mga miyembro ng unyon sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City gayundin sa UST Hospital sa Maynila.
Kasama ng mga ito ang ilang labor group tulad ng bukluran ng manggagawang Pilipino, sanlakas at kongreso ng pagkakaisa ng maralitang lungsod.