Bumaba ang presyo ng gulay sa ilang pamilihan sa National Capital Region.
Halimbawa sa Muñoz market sa lungsod ng Quezon, P20 hanggang P50 ang ibinaba ng presyo ng repolyo, carrots at pechay Baguio.
Sa Commonwealth market naman, P40 hanggang P50 na ang presyo ng kalabasa na dating P50 hanggang P60 habang ang pechay baguio naman ay P140 hanggang P160 na mula sa P200 kada kilo.
Bumaba rin ang presyo ng gulay at karneng baboy sa Galas market.
Paliwanag ng Department of Agriculture o DA, maganda ang supply ng mga gulay dahil mayroon nang naaani.—sa panulat ni Rex Espiritu