Naglabas na ng rekomendasyon ang National Bureau of Investigation o NBI kung sino ang dapat na managot sa nangyaring shoot out noong Pebrero sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nitong Lunes matapos ang anim na buwan, inirekomenda ng NBI sa Department Of Justice o DOJ ang pagsasampa ng reklamo kontra sa 12 tauhan ng PNP- Quezon City at apat na tauhan ng PDEA.
Kasama sa mga kaso na isasampa ang homicide, attempted homicide, direct assault, falsification of official documents, robbery at conniving with consenting to evasion.
Apat ang nasawi sa naturang engkwetro na naganap noong Pebrero 24 na nangayri sa parking area ng isang fast food chain sa Commonwealth Avenue.—sa panulat ni Rex Espiritu