Nakapasok na umano sa lalawigan ng Leyte ang mga pesteng Malaysian black bug.
Ayon kay Agriculture Office Chief Joseph Cortez, banta sa sektor ng agrikultura ang naturang peste, partikular sa rice production.
Nilinaw ni Cortez na wala pa silang natatanggap na reklamo o sumbong mula sa mga magsasaka na maaaring napeperwisyo ng black bug.
Sinabi naman ni Senior Agriculturist Judith Paredes na handa na silang puksain ang mga nasabing peste.
Giit ni Cortez, napapatay ng malakas na ulan ang mga black bug, subalit malaking problema ito ng Leyte dahil apektado na ang probinsya ng El Niño phenomenon.
By Jelbert Perdez