Papalo na sa 181, 993 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na naturukan ng bakuna kontra COVID-19 sa pamamagitan ng Philippine Red Cross o PRC.
Sinabi ni PRC Health Services Manager Mark Abrigo, nasa 150, 730 nang indibidwal ang nabakunahan sa anim na PRC bakuna centers.
Habang aabot na sa 30K indibidwal ang nahatiran ng serbisyo gamit ang PRC mobile vaccine clinics o bakuna bus, na nakadeploy sa 17 siyudad sa National Capital Region o NCR, Calabarzon at Cebu.
Samantala, nasa 5, 948 Overseas Filipino Workers o OFW at seafarers ang naturukan ng bakuna ng PRC, bilang suporta na rin sa national COVID-19 vaccination program for OFWs.