Suportado ng Department Of Health ang pagpapatupad ng granular lockdown.
Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, base sa kanilang ginawang analysis ay ilang Barangay lamang ang bumubuo sa bilang ng mga nagkakasakit sa bawat lugar sa buong bansa.
Aniya, layunin ng mungkahing granular lockdown ay upang hindi magsara ng husto at hindi maapektuhan ang kabuhayan sa mga lugar na kakaunti lamang ang mga kaso ng virus.
Iginiit pa ni Vergeire na ang granular lockdown ay makakatulong sa pamahalaan upang mapaigting nito ang active case finding at testing, at matiyak ang agarang pag-isolate sa mga indibidwal na may COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico