Nakapagtala ng 18,012 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH).
Ayon sa datos ng DOH, ito ang dahilan kung bakit sumirit na sa kabuuang 2,121,308 ang kabuuang kaso ng COVID-19.
Sa naturang bilang 158,637 ang nananatiling aktibong kaso ng virus.
1,928,173 na ang total recoveries matapos na madagdagan ng 18,945.
Samantala, sa kaparehong case bulletin naitala ang 161 na mga bagong nasawi sa virus kaya’t nasa 34,498 na ang kabuuang death toll.