Nasa critical risk na ang Health Care Utilization Rate o HCUR sa 14 sa 32 na referral hospital sa buong bansa.
Iyan sa gitna ng bugso ng kaso ng COVID-19 cases.
Ang HCUR ay kinokonsidera ng nasa critical risk sa aabot sa higit 85%.
Ayon pa sa tala,ang HCUR ay 100% na sa Research Institute for Tropical Medicine at sa Amai Pakpak Medical Center, 99% naman sa region one Medical Center at sa Southern Philippine Medical Center habang 96% naman sa National Kidney Transplant Institute, Lung Center of the Philippines at Baguio General Hospital and Medical Center.
Limang referral hospital naman ang nasa high risk na mula 70 hanggang 80%.—sa panulat ni Rex Espiritu