Kailangan ng dagdag na health care personnel ng Lung Center of the Philippines.
Iyan ay sa gitna ng bugso ng nakahahawang COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Dr. Norberto Francisco, tagapagsalita ng ospital, mga nars, nursing aides, radiology technicians, med tech at iba pa ng Lung Center.
Ani pa Francisco na kahit mayroon silang sapat na kwarto at mga kagamitan pero kung walang tao ay hindi rin tatakbo ang kanilang operasyon para labanan ang covid-19.
Kung interesado, maaring tumawag ang aplikante sa 8-924-6101.—sa panulat ni Rex Espiritu