Nakatakda pang bumili ng karagdagang 22 milyong doses ng COVID-19 vaccine na Sinovac ang pamahalaan.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na inaasahan ang 10 hanggang 12 milyong doses ng bakuna ang darating sa bansa ngayong buwan at dagdag 10 milyon naman sa susunod na buwan.
Una nang bumili ang pamahalaan ng 26 milyong doses ng Sinovac, kung saan nakumpleto ang delivery nito noong Agosto.
Hindi naman binanggit kung magkano ang ginastos sa procurement ng nasabing bakuna dahil sa non-disclosure agreement o nda sa pagitan ng pamahalaaan at Chinese vaccine manufacturer.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico