Kumpiyansa si Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang nilabag na quarantine protocols.
Ito’y matapos maghain ng reklamo ang watchdog group na Pinoy aksyon sa Office of the Ombudsman dahil sa paglabag.
Inireklamo ng grupong Pinoy aksyon ang pamamasyal at paliligo kasama ang mga dolphin ni Roque sa Subic noong Hulyo ng nakaraang taon at hindi pagsunod sa physical distancing nang bumisita naman sa Cebu.
Maliban dito, binatikos pa si Roque sa pagbisita at pag-scuba diving sa Boracay noong Pebrero.
Sinabi pa ni Roque na patunayan ng grupo kung may inilabag ito sa health protocols.
Tiniyak pa ni Roque na magsampa na lamang ng ibang kaso dahil tiyak din na mababasura ito sa Ombudsman.