Aabot na sa isang milyon ang nadagdag na enrollees ng Department of Education o DEPED para sa school year 2021-2022.
Batay sa datos ng DEPED, pumalo lamang sa mahigit 18 milyon ang bilang ng mga enrollee ng kindergarten hanggang grade 12 sa public at private schools.
Sa naturang bilang halos apat na milyon ang naitalang early registration.
Samantala, sa region 4-A ang pinakamaraming naitalang enrollees na may 2, 736, 301 na sinundan ng region 3 na may 1, 945, 739 enrollees at metro manila na may 1,869,853 enrollees.
Nakatakda ang pagbubukas ng klase para sa S.Y. 2021-2022 sa Setyembre 13, 2021.