Nagpapatuloy ang pagtanggap ng ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa mga lugar na labis na apektado ng bagyong Jolina.
Batay sa pinakahuling datos mula sa NDRRMC, papalo na sa 8,000 inidbiduwal ang inilikas na at kasalukuyang nasa evacuation centers partikular sa mga rehiyon ng Bicol, Eastern at Western Visayas.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, ang nasabing bilang aniya ay nahahati ngayon sa may 46 na evacuation centers sa mga nabanggit na rehiyon.
Maliban dito, may 24 na kabahayan din ang napinsala ng bagyo habang may mga lugar na rin ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos matumba ang mga poste dahil sa lakas ng hangin.
Umaasa naman ang NDRRMC na wala silang maitatalang casualties o iyong mga nasawi at sugatan na iiwan naman ng bagyong Jolina lalo’t nagbabanta ang isa pang bagyo na may pangalang Kiko. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)