Inalerto ng mga otoridad ang mga residente sa mga mababang lugar malapit sa Angat Riverbank matapos magpakawala ng tubig ang Ipo Dam.
Ayon sa PAGASA, dahil sa matinding ulan na dala ng bagyong Jolina, lumampas na sa spilling level na pumalo na sa 101m ang water level sa Ipo Dam kaya’t nagpakawala na sila ng tubig.
Sinabi ng PAGASA na inaasahan ding tataas pa ang tubig sa Ipo Dam dahil sa patuloy na buhos ng ulan.
Kabilang sa mga pinagiingat sa posibleng pagbaha ang mga residente ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy .