Fully vaccinated na ang mahigit sa kahalati ng target population sa Metro Manila.
Ipinabatid ni vaccine czar secretary Carlito Galvez, Jr., na 52.2% na ng target population o nasa 5M residents sa Metro Manila ang nakakumpleto na ng bakuna habang halos 82% o 8M naman ang naturukan na ng first dose.
Samantala, mahigit 15M Pinoy na ang fully vaccinated kontra COVID-19 habang nasa halos 21M naman ang naturukan na ng unang dose hanggang nitong Setyembre 5.