Mahigit isang milyong doses na ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa mga residente ng Taguig City hanggang kahapon, September 7.
Dahil dito, ipinabatid ni Taguig mayor Lino Cayetano na ika-apat na ang kanilang lungsod o sunod sa Quezon City, Maynila at Caloocan ang naka-1 million mark sa pagbabakuna kontra COVID-19 at target aniya nilang maiturok ang second dose sa 70% ng populasyon ng lungsod.
Kinilala ni Cayetano ang sakripisyo ng kada healthcare and essential worker sa lungsod matapos ang malaking ambag sa contact tracing, vaccination efforts at patuloy na pagpapatupad sa Taguig ng PDITR o Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate Strategy laban sa nasabing virus.
Tiniyak ni Cayetano sa mga residente ng lungsod ang pinaigting pang pagbabakuna para mailigtas ang lahat kontra COVID-19 , sa pamamagitan ng community-based vaccination sa Taguig mobile vaccination bus, mobile vaccination team at home service vaccination para sa mga bedridden citizens.
Tuluy-tuloy rin aniya ang pagbibigay ng Taguig City government nang mabilis, ligtas at accessible vaccination sa bawat residente ng lungsod.