Mahigit walong libong indibidwal na mula sa regions 5, 6 at 8 ang inilikas matapos manalasa ang bagyong Jolina.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na nagsabing ang mga apektadong residente ay nananatili sa 46 na evacuation centers.
Ayon pa kay Timbal, 24 na bahay ang sinira ng bagyong Jolina na naging dahilan din kaya’t nawalan ng supply ng kuryente ang malaking bahagi ng tatlong rehiyon.
Tiniyak ni Timbal ang patuloy na pag monitor pa rin sa galaw ng bagyong Jolina gayundin ng bagyong Kiko habang nakakasa na ang kanilang tulong sakaling kailanganin ng Local Government Units.
Nasa 8,583 katao po ang na-evacuate po ngayon sa ating iba’t ibang locations sa region 5, region 6 and region 8 at nag-istay po sila sa 46 na mga evacuation centers . Although meron tayong mga kababayan na hindi ginusto na mag-stay sa evacuation centers na nakituloy sa mga kamag-anak nila. Sa tala po natin nasa 2,357 katao po iyan. Sila po ngayon ay inaasistehan ng mga local government units natin, ginagamit po nila ang stockpiles for relief items,”pahayag ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal