Nabulaga ang ilang Alkalde ng Metro Manila sa biglang pagbago ng pamahalaan sa bagong quarantine classification sa NCR na ipatutupad sana nitong Miyerkules.
Nasa GCQ na sana ang kaMaynilaan kasabay ng pagpapatupad ng granular lockdown at alert level system.
Ayon kay Department of Interior and Local Government Spokersperson Undersecretary Jonathan Malaya, layunin din ng pagkambyo na mabawasan ang kalituhan ng publiko.
Pero kung si Makati Mayor Abby Binay ang tatanungin, handa naman sila na sumundo sa pagbabagong ipatutupad pero late naman aniya ang nasabing desisyon.
Ayon pa kay Binay, hindi malinaw sa kanilang mga Mayors ang basehan ng assessment ng Department Of Health kung anong alert level ang ibibigay sa bawat lugar sa granular lockdown.
Nangako naman si Usec. Malaya na maaring lumabas ang guidelines sa bagong sistema sa loob ng tatlong araw.—sa panulat ni Rex Espiritu