Ipinagpaliban muna ng NDRRMC ang itinakdang Simultaneous Nationwide Earthquake Drill ngayong araw na ito.
Ito ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal ay para tutukan muna ang epekto ng mga bagyong Jolina at Kiko.
Sinabi ni Timbal na malabong mangyari ang online earthquake drill dahil maraming lugar ang bagsak ang signal ng komunikasyon dulot ng bagyo.
Tiniyak ni Timbal na hindi nagpapabaya ang ahensya sa mga paghahanda para sa inaasahang “The Big One” o ang napakalakas na magnitude 7.2 na lindol na posibleng tumama sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)