Naniniwala si Defense Sec. Delfin Lorenzana na dapat sumunod na sa agos ng panahon ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ito ang binigyang diin ng kalihim sa kaniyang mensahe sa ika-70 anibersaryo ng naturang tratado sabay giit na nananatiling kailangan ng Pilipinas ang matibay na kaalyado.
Ayon kay Lorenzana, pitong dekada na ang nakalipas mula nang selyuhan ang kasunduan kaya’t nararapat lamang na muli itong bisitahin, pag-aralan at i-akma sa hamon ng makabagong panahon.
Dagdag pa ng kalihim, bagama’t kailangan ng Pilipinas ng matitibay na kaalyado tulad ng Amerika, hindi rin naman habang buhay na dapat nakasandig ito para sa sariling seguridad.
Magugunitang ipinag-utos kamakailan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-atras ang pagbasura ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement o VFA na nasa ilalim ng Mutual Defense Treaty, bagay na sinuportahana naman ni Lorenzana.