Nananatiling pinakamayaman sa Pilipinas sa taong ito ang magkakapatid na Sy.
Batay ito sa report ng Forbes Magazine hinggil sa limampung pinakamayaman sa Pilipinas kung saan lumago ng halos 30% o nasa hanggang $79-B ang nadagdag sa kita ng mga ito sa taong ito.
Ayon sa Forbes, nadagdagan ng $2.7-B ang kayamanan ng magkakapatid na Sy na ngayo’y nasa $16.6-B na sinundan ni Property Tycoon Manuel Villar Jr. na nasa $6.7-B na ang net worth at ikatlo si Ports and Casino Tycoon Enrique Razon na nasa $5.8-B na ang kasalukuyang net worth.
Pasok din sa Philippine Richest List ng Forbes sina:
4.Lance Gokongwei at mga kapatid – $4-B
5.Jaime Zobel De Ayala – $3.3-B
6.Dennis Anthony at Maria Grace Uy – $2.8-B
7.Tony Tan Caktiong – $2.7-B
8.Andrew Tan – $2.6-B
9.Ramon Ang – $2.3-B
10.Ty Siblings – $2.2-B
Bukod pa ito kina: Hartono Kweefanus, Lucio Tan, Isidro Consunji and siblings, Lucio and Susan Co, Vivian Que Azcona and siblings, Ricardo Po Sr., Soledad Oppen-Cojuangco, Betty Ang, William Belo at Mercedes Gotianum.
Kabilang sa mga pinagbasehan ng listahan ang shareholding at financial information mula sa mga indibidwal at pamilya, stock exchanges, analysts at iba pa at ang net worth ay kinuwenta base sa stock prices at exchange rates kung kailan nagsawa ang merkado noong Agosto 20.