Humihingi ngayon ng panalangin ang National Basketball Association o NBA sa kanilang mga manlalaro para sa dating veteran NBA player na nag-aagaw buhay ngayon dahil sa COVID-19.
Nagulat ang karamihan kamakailan ng makita nila ang larawan ni Cedric Ceballos na nasa Intensive Care Unit ng ospital habang naka-intubate sa kanyang ika-10 araw sa ospital.
Dating naglaro ang 52 years old na na si Ceballos sa Phoenix Sun, Los Angeles Lakers, Dallas Mavericks, Detroit Pistons at Miami Heat.
Sa mensahe nito habang nasa ICU, nanawagan na rin siya ng dasal para sa kanyang mabilis na paggaling.—sa panulat ni Rex Espiritu