Higit sa 200 tolenada ng isda ang nakawala matapos mawasak ang mga kulungan nito sa kasagsagan ng pagbayo ng bagyong si Jolina sa Lipa City, Batangas.
Sa unang pagtataya ng mga mangingisda, aabot sa higit 30 fish cages ng tilapia at bangus ang nasira dahil sa epekto ng bagyo.
Ayon kay Robert Martinez ng kilusan ng mga maliliit na mangingisda ng lawa ng Taal, dahil sa lakas ng hangin at malalaking alon kaya nasira ang mga ito.
Dahil dito, walang makuhang isda ang Metro Manila sa lalawigan ng batanggas kaya’t sa Pampanga muna humango ng tilapia ang Muñoz market at Kamuning market sa Quezon City.
Pumalo rin sa P20 hanggang P50 ang itinaas ng mga isda ayon sa mga tindero nito.
Nililikom pa ng Department of Agriculture o DA ang datos sa halaga at lawak ng pinsala ng bagyo sa mga palaisdaan ng Batangas at Cavite.—sa panulat ni Rex Espiritu