Ilulunsad na ng Commission on Elections (COMELEC) ang nationwide synchronized mall registration day bukas o 21 araw bago ang deadline ng voter registration para sa may 2022 national at local polls.
Sa NCR na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine, maaaring tumanggap ang Election Officers (OEO) ng aplikante sa piling malls ng Robinsons, Ayala at SM hanggang ala-5 ng hapon.
Ayon kay Comelec Commissioner Aimee Ferolino, bukod sa kaginhawaan, nais din nilang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko lalo sa mga huling araw ng pagpaparehistro.
Lahat anya ng schedule ng mall registration ngayong buwan ay nakapaskil sa kanilang official website at social media accounts maging sa bulletin board ng District, City o Municipal Halls at mga OEO .—sa panulat ni Drew Nacino